Litratong Pinoy: Umaapoy

img_1023.jpg

Umaapoy na baga (o uling) ang ginagamit sa pagluto ng isa sa pinakapaborito kong pagkain dito sa Korea. Ito ay ang “sut bul wang kalbi” o malaking tadyang ng baboy na binabad sa espesyal na sarsa at niluluto sa ibabaw ng apoy na mula sa uling. Napakasarap! May mga bisita ako na galing ng Pilipinas at Amerika at nasarapan din sila sa pagkaing ito. Samahan pa ng hilaw na hiwa ng bawang o kaya’y isang malaking sili at tiyak na aapoy sa iyong mga dila ang pinagsamang sarap ng pagkaing ito.

Kung nais mo pang makakita ng mga “Umaapoy” na litratong Pinoy… bisitahin ang pahinang ito.

15 comments ↓

#1 carol on 05.15.08 at 4:35 pm

nakakagutom yan ah! =)

carols last blog post..people, if you can call them that.

#2 Pinky on 05.15.08 at 7:43 pm

Eto ba yung tinatawag nilang “Korean Barbecue” sa Maynila? Masarap nga yan pero mas paborito ko yung Beef Kalbichim na may sarsa.

Happy Huwebes sa iyo, kapatid!

Pinkys last blog post..LP #7: Umaapoy

#3 Thess on 05.15.08 at 9:02 pm

ay juice koh, kalbi- paborito ko yan! pati bulgogi…hala hindi ko na tuloy nakita ang apoy sa uling at napatitig na lang sa pagkain :)

hapi thersdei sa iyo, sister !

Thesss last blog post..LP#7 UMAAPOY

#4 teys on 05.15.08 at 11:47 pm

ako din di ko na napansin yung apoy he he tinitignan ko tuloy yung karne :)

gandang ‘webes!

teyss last blog post..LP#7 - Umaapoy

#5 Cathy on 05.16.08 at 12:09 am

mukha ngang masarap.. lalo na inihaw.. at ang “ispesyal na sarsa”.. ano kaya un?

#6 Meeya on 05.16.08 at 2:04 am

ako din hindi ko na pinansin yung nagbabagang uling, dun ako napatingin sa tadyang ng baboy, hahaha! happy huwebes!

MyMemes: LP Umaapoy
MyFinds: LP Umaapoy

#7 sardonic nell on 05.16.08 at 2:17 am

umaapoy sa sarap !!!

sardonic nells last blog post..Litratong Pinoy #7: Umaapoy

#8 G_mirage on 05.16.08 at 5:03 am

Karamihan sa lahok ay mga nilulutong pagkain, nakakagutom nga! Sarap!Maligayang LP!

#9 lino on 05.16.08 at 7:47 am

magandang araw ng biyernes, sensya na late ako, hehehe…

#10 ettey on 05.16.08 at 9:14 am

wow! sarap nyan ah!!

#11 lidie on 05.16.08 at 1:22 pm

ang sarap! gusto na kumain!
magandang araw sa’yo!

#12 Grey on 05.16.08 at 6:10 pm

gusto ko matikman yan!!! hehe.. nasasarapan din ako sa korean food lalo na un kimchi kasi maanghang! hehe.. mabuhay LP! :)

#13 Clicking Away on 05.17.08 at 12:46 am

Mukhang masarap yan ha… at ibang klase ang kanyang lutuan. Ang sarap talaga ng korean food… isa sa mga paborito ko ito.

Clicking Aways last blog post..LP007 - Umaapoy

#14 vera on 05.17.08 at 11:28 am

gutom gutom gutom. huhu. anubeyen. di pa ako almusal!

hihihi

veras last blog post..LP: Umaapoy

#15 Munchkin Mommy on 05.18.08 at 9:24 am

nadistract ako sa pagkain…hindi ko na pinansin ang apoy! hahaha!

Apoy sa Langit
Apoy sa Keyk

Munchkin Mommys last blog post..LP #7: Umaapoy

Leave a Comment