Dito sa bansang Korea, ang kasal ay karaniwang ginaganap tuwing tag-sibol (Spring) at tag-lagas (Autumn). Ang lugar ng kasalan ay tinatawag na “Wedding Hall”. Karaniwan na may dalawang parte ang kasal dito. Ang una ay para sa estilong Kanluran kung saan nakasuot ng tradisyonal na puting damit ang babae at Amerikana naman sa lalaki. Ang pangalawang parte ay ayon naman sa tradisyon ng mga Koreano noon. Dito ay nakasuot ng “hanbok” o pambasang kasuotan ang ikinakasal. Isa sa seremonyas na ikinatutuwa ko sa tradisyonal na kasal nila ay ang pagbuhat ng lalaki sa babae sa kanyang likod o “piggy back ride” sa wikang Ingles. Ito raw ay simbolo na susuportahan ng lalaki ang kanyang asawa. Hindi namin ito ginawa noong ako’y ikinasal. Mas mabigat ako sa asawa ako at ayos lang na hindi sumunod sa tradisyon kesa naman mabalian siya ng buto sa araw ng aming kasal (paano naman ang pulot-gata?). Ang larawang ito ay sa kasal ng isang kaibigan.
Litratong Pinoy - Pag-iisang Dibdib
June 5th, 2008 | Litratong Pinoy







35 comments ↓
interesting..
ang cute ng kuha ng mga kaibigan mo, ang saya-saya nila.
Iriss last blog post..Walang Hanggan [LP]
Nakakatuwa ang kulay. Salamat din sa impormasyon. Matagal na akong nagtataka kung bakit pinapasan sa likod ng lalaki ang baae. Lagi ko kasing nakikita yun sa mga Koreanovela.
Em Dys last blog post..Madamdaming Paglalakad
kakaiba rin ang tradisyon na yan.
kakatuwa
parang Jewel in the Palace na live
lol
teyss last blog post..Friendship Tag
salamat sa bagong impormasyon! happyy huwebes sa iyo!
Leahs last blog post..LP: Pag-iisang Dibdib
salamat sa pagbahagi ng kulturang ito…
kakaiba ang kasalan at makulay talaga noh?
Maganda Huwebes po
jeannys last blog post..LP# 10 Pag-iisang dibdib
kailangan palang mag-diet ang bride para di masyadong mabigat buhatin
Linnors last blog post..Pag-iisang Dibdib
patawa ka naman! ang saya siguro ng kasalan parati dyan sa korea!
cess last blog post..LP #10: my best friend’s weddings
Kakaiba nman! Kung nasa korea ako malamang wala ding buhat kapareho ng dahilang binigay mo…lol.
Happy LP!
G_mirages last blog post..Litratong Pinoy - Pag-iisang dibdib
Ka kyut naman pala ng tradisyon nila dyan sa Korea! Napaka colorful pa.
Naku e kung dyan pala kami ikinasal, tyak mayuyupi asawa ko pag pinasan ako ha ha ha!
Happy LP!
Thesss last blog post..LP #: Kasalan na!
ang galing! di pa ako nakakakita ng korean wedding. makulay din ano parang chinese weddings.
christines last blog post..LP 10: Pag-iisang Dibdib (When Two Become One)
Katuwa naman ng tradisyong ito - salamat sa pagbabahagi…
Happy Huwebes!
Pinkys last blog post..LP #10: Pag-Iisang Dibdib
Pamilyar na sa Pinas ang koreanong tradisyon ng kasal, ewan ko na lang sa dinami-dami ba naman ng koreanobelang naipalabas na, hehehe.
Hahaha, naisip ko rin yan. Lagot na kung patpatin ang lalake at kabaligtaran si babae, hehehe. Pero nakakatuwa naman ang makita mo yun di ba? Lalo na kung maranasan:D
komski kunos last blog post..Ikaw at ako
haha! ang cute!
magandang huwebes sa’yo!
lidies last blog post..LP #10 :: Pag-iisang Dibdib
ang cute naman!
meron na naman akong bagong natutunan sa pagdalaw sa blog mo
maraming salamat!
magandang huwebes po
MommyBas last blog post..HSMS: Catch-Up Time
ang cute!! oo nga, buti na lang di yan uso dito sa Pinas…mas mabigat din ako sa asawa ko (nung kasal namin ha)..disaster yun kung nagkataon
Cookie
http://scroochchronicles.blogspot.com/
tanong ko lang, bakit ang hilig ng mga koreano sa mga ganyang post. kahit sa mga koreanobela hindi nawawalan ng eksenang pasanan
Kotsengkubas last blog post..Litratong Pinoy 0823 » Pag-iisang dibdib
Ok yang tradisyon na yan, natawa ako sa bandang huli ng post mo
Magandang Huwebes.
julies last blog post..Pag-iisang Dibdib
salamat sa pagbabahagi…maganda ding malaman ang mga tradisyon ang kaugalian ng ibang bansa patungkol sa pag-iisang dibdib.
masayang Huwebes na naman.
Reflexess last blog post..LP10: Marriage (Pag-iisang Dibdib)
ang ganda naman ng simbolismo ng mga koreano
Dyess last blog post..L. P. # 10 : Pag-iisang Dibdib
ang unique naman! di pa ko nakakakita sa totoong buhay ng kasal sa ibang bansa.
katulad ng lahok ko, napaisip din ako kung kaya akong buhatin ng aking magiging asawa . . hahaha!
ayens last blog post..Litratong Pinoy: Pag-iisang Dibdib
salamat sa iyong ibinahaging kaalaman! nakakatuwa ang tradisyonal na kasalan!
hapi huwebes!
Sumpaan
Abay
Munchkin Mommys last blog post..LP #10: Pag-iisang Dibdib
Maraming salamat sa impormasyon. Ang ganda ng litrato ng ikinasal.
Ang aking LP ay naka post na rin:
Shutter Happenings, daan ka kung may oras ka.
Salamat!
ShutterHappyJenns last blog post..Pag-Iisang Dibdib / Wedding
ang cute naman nila. new info. thanks
leahs last blog post..LP: Pag-iisang DIBDIB
bakit naman di ka nagpabuhat sa asawa mo hehehehe
alphas last blog post..LP: Pag-iisang Dibdib.
buti hindi sa iyo nagpabuhat ang iyong asawa, hehe. joke lang po.
nakakatuwa naman yung pose ng girl, nilagay pa niya talaga yung daliri niya sa pisngi ng kanyang asawa. ganyan talaga sila mag-pose diyan ano? pati yung naka-peace sign di ba? (kakanood ko ito ng mga korean telenobelas, hehe pasensiya na!)
MyMemes: LP Kasalan
MyFinds: LP Kasalan
kakaiba! napakaganda!
http://www.buhaymisis.com/2008/06/lp-pag-iisang-dibdib.html
kathycots last blog post..LP: Pag-iisang Dibi
nakakatuwa ang iyong lahok! napakainteresante ring malaman ang tradisyon na iyan nang mga koreano.
maligayang LP!
Dragon Ladys last blog post..L.P. #10: Pag-iisang Dibdib
hehe, ang cute naman… pasensya na at ako’y huli, pero narito na rin po ang aking bahagi para sa linggong ito… happy LP…
linos last blog post..pag-iisang dibdib…
Minsan nako inanyayahan dumalo sa tradisyonal na Koreanong kasalan. Dito sa Pinas sa may Batanggas. Sayang at hindi ako naka dalo.
ui gusto ko yan ideya ng piggy back ride na yan ha.. hehe.. pero baka di din ako kayanin ng magiging asawa ko.. mas sexy kasi sa akin si boypren e! hehehe..
Greys last blog post..L.P. #10: Pag-iisang Dibdib
colorful costumes! my dream to shoot!
jerome aka bridget joness last blog post..LP # 10: Pag-iisang Dibdib (Marriage)
cute..similar sa mga chinese.. happy lp!
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/06/lp-10-pag-iisang-dibdib.html
yvelles last blog post..What to do in Paris?
Natuwa naman ako sa detalyeng ito sa kasalan dyan sa Korea. Thanks for sharing.
zamejiass last blog post..Brown Saturday
sa pagkakaalam ko ay kasama sa kultura nila ang pagpapakita ng pagmamahal sa pagpasan ng katipan. tama ba?
iskas last blog post..LP#10: Pag-iisang Dibdib
Leave a Comment