Litratong Pinoy - Itay

Litratong Pinoy - Itay

Ang larawang nasa itaas ay ang simpleng puntod ng aking ama na namatay noong 1993, apat na araw bago ang kanyang kaarawan. Nag-aayos kami ng sorpresang pagdiriwang para sa kanya ngunit hindi na umabot ang sorpresang iyon. Namatay siya noong umaga ng Disyembre 17. Nang gabi ring iyon ay nagsilang ng isang sanggol na lalaki ang aking pangalawang ate.

Pictured above is the simple gravestone of my father who died in 1993, four days before his birthday. We were planning a surprise party for him but he left early. He died on the morning of December 17. That night, my second sister gave birth to a boy.

Ang aking ama ay isang sundalo na nagsilbi sa bayan mula 1952 hanggang 1973. Siya ay nagbitiw sa serbisyo ilang buwan pagkatapos ideklara ang Batas Militar. Siya ang nasa dulong kanan sa litrato sa ibaba.

My father was a soldier who served our country from 1952 to 1973. He retired from the service a few months after the declaration of Martial Law. He is the man on the right in the picture below.

Litratong Pinoy - Itay

Karagdagang impormasyon: Dito sa Korea ay hindi sineselebra ang “Araw ng mga Tatay” na kagaya ng nakasanayan natin sa Pilipinas. Bagkus, merong “Araw ng mga Magulang” na taun-taon na ginugunita tuwing ika-8 ng Mayo. Ang mga anak ay nagbibigay ng bulaklak na “carnation”.

Off-topic: Here in Korea, we don’t celebrate “Father’s Day” the way we do in the Philippines. Instead, we honor both our parents on “Parents’ Day” which is held every year on May 8th. Children offer “carnation” to their parents on this day.

28 comments ↓

#1 ruthi on 06.19.08 at 12:47 am

I can relate to this post. I missed my father so much. He passed away in 1996 but he was not a soldier though. Father’s Day is something we didn’t usually celebrate when I was growing up in the Phils because my dad was abroad half of my life. Nice post very touching.

Thanks for you comment, btw, on one of my posts in Bizarre Marriage - The Late Bloomer. I really appreciate it. I also linked u up in one of my personal blog too… a Carpenter’s WIFE’s tool box. Take care.

ruthis last blog post..an AD paid with XOXO

#2 Pinky on 06.19.08 at 1:17 am

Salamat sa pagbabahagi ng kuwento tungkol sa iyong ama. Kahit wala na siya, patuloy mo pa ring binibigyang-halaga ang kanyang alaala. Mabuhay ka!

#3 ces on 06.19.08 at 3:36 am

malungkot…maging ako ay wala nang ama, kanya naman nadala ako sa iyong akda

#4 lino on 06.19.08 at 7:29 am

he has served his purpose, he has raised a wondeful daughter… :)
maligayang araw ng huwebes… :)
linos last blog post..itay…

#5 Clicking Away on 06.19.08 at 7:37 am

Nakakatuwang nakakalungkot ang iyong entry. Bagamat namatay ang iyong ama, may bagong bata naman ang pumalit sa kanya.

Saludo ako sa iyong ama dahil sa kanyang paglaban para sa ating kalayaan.

Maligayang LP!

Clicking Aways last blog post..LP012 - Itay

#6 Linnor on 06.19.08 at 7:42 am

isang bayani, yan ang tingin ko sa mga naninilbihan sa bayan bilang sundalo kagaya ng iyong ama.

Linnors last blog post..Itay

#7 NONA on 06.19.08 at 9:09 am

Na-touch ako sa lahok mo…gaya ng iyong ama sundalo rin ang aking itay, at naiyak ako dahil sa larawan…para ko na ring nakikita ang tatay ko na nakauniporme.

NONAs last blog post..Home sweet Home…

#8 Reflexes on 06.19.08 at 9:17 am

oh! your post made me cry :( my dad died last year… and the pain is still here. but i am rejoicing bcoz i know that it is not ‘goodbye’ but instead a ’see you later tatay’.

Reflexess last blog post..LP: Father (Itay)

#9 ettey on 06.19.08 at 9:30 am

haaaaaaaaay, nalungkot akong bigla pagkakita sa puntod ng iyong ama :( gayunpaman, alam kong nde ito ang tamang panahon para sa kalungkutan. maligayang araw sayo! ^_^

etteys last blog post..KALAYAAN NI ITAY

#10 strawberrygurl on 06.19.08 at 10:36 am

a very touching post. ito na siguro ang pinaka puno ang damdamin sa mga lahok ngayong linggong ito.

Busymom: LP2 Itay (Father)
Strawberrygurl: LP12 Itay (Father)

strawberrygurls last blog post..LP 12: Itay (Father)

#11 Lizeth on 06.19.08 at 11:01 am

alam ko masaya ang itay mo dahil nuong sya ay nabubuhay pa…ipinakita ninyo at ipanadama sa kanya ang inyong pagmamahal.

*hugs*

Lizeths last blog post..Litratong Pinoy #12: Itay

#12 Willa on 06.19.08 at 11:28 am

wow!reminds me of my dad,he passed away last year,just a week before Father’s day. :(

#13 Surfergirl on 06.19.08 at 2:05 pm

kahanga hanga ang itay mo. ramdam ko ang sentimiento mo at kawawala lang din ng aking ama.

Surfergirls last blog post..Litratong Pinoy 4: ITAY

#14 peterahon on 06.19.08 at 2:32 pm

bayani ang iyong ama, sumalangit nawa ang kaniyang kaluluwa…

hinggil sa tanong mo sa blog ko - may konting pension si tatay, kahit papaano kaniyang napapakinabangan.

peterahons last blog post..Ang Tatay Ko Bagong Bayani!

#15 kiwi.pino on 06.19.08 at 4:49 pm

saludo ako sa itay mo - isang kawal na nagsilbi pra sa bayan.

#16 Dyes on 06.19.08 at 6:22 pm

nararapat lamang kahangaan ang iyong tatay!

Dyess last blog post..LP: Itay

#17 haze on 06.19.08 at 6:54 pm

nakakatuwa nga at nakakalungkot na akda. may nawala sa pamilya mo ngunit may pumalit din.

nakakatuwa rin tayong mga pinoy, kahit wala na sa mundo ang mga mahal natin sa buhay, kasama pa rin sila sa ating pag celebrate ng mother’s/father’s day.

happy LP sa iyo!

hazes last blog post..LP#12: ITAY

#18 pao on 06.19.08 at 10:43 pm

hay, ang lungkot naman, hindi siya umabot sa birthday niya. :(
paos last blog post..LP#12: Itay

#19 ner on 06.20.08 at 2:35 am

nakakalungkot naman na hindi nya naabutan ang inyong sorpresa. pero parang ang anak na lalaki ng iyong ate ang kanyang naging kapalit. (kung sigurong naniniwala tayo sa reincarnation, sasabihin nating marahil sya na nga yun.)

maligayang paglilitrato! :)
ners last blog post..Papa

#20 Munchkin Mommy on 06.20.08 at 4:57 am

nakakalungkot talaga ang mawalan ng magulang. magdadalwampung taon na ngayong taong ito magmula nang pumanaw ang aking ama.

tulad nga sa nasabi ko rin sa iba nating kasama sa LP na wala na ring ama, pilitin na lang nating isipin ang mga naiwan nilang masasaya at magagandang ala-ala.

Bagong Ama
Magkalaro, Magkaibigan, Mag-ama

Munchkin Mommys last blog post..LP #12: Ama

#21 carol bustos-santiago on 06.20.08 at 11:37 am

malungkot. masaya. nakakalito siguro kung ano ang naramdaman nyo nung araw na siyang mawala sa inyo at dumating ang iyong pamangkin.

sadyang god’s ways are very mysterious.

maligayang lp!

carol bustos-santiagos last blog post..LP Itay

#22 julie on 06.20.08 at 11:50 am

Nakakatouch naman ang post na ito.

Ano ang kahulugan ng carnation sa araw ng mga magulang?

julies last blog post..Tatay of my Children

#23 Thess on 06.20.08 at 3:45 pm

Nakakalungkot isipin na dati mong nayayakap, nakakausap, ay lubusan kang iniwan. At sa araw ng kanyang pagpanaw, bitter sweet din dahil sa ipinanganak ang iyong pamangkin. Magandang alala sa araw na iyon.

Saludo ako sa iyong ama..at sa iyo na rin sa patuloy mong pagmamahal at pag gunita sa kanya.

Thesss last blog post..ITAY (vader) for Litratong Pinoy #12

#24 iska on 06.20.08 at 8:14 pm

off-topic na comment lamang ako: d2 naman sa kinaroroonan ko sa NZ, ang father’s day ay sini celebrate tuwing unang linggo ng september.

iskas last blog post..La.Pi.S.01 - It’s the Kiwifruit Season!

#25 teys on 06.23.08 at 4:28 am

ang tatay ko din ay lumaban sa gyera - nung panahon ng mga Hapon… sya din ay lumisan na…

sori po at late sa pag-bisita -
magandang araw!

teyss last blog post..Another Tooot!

#26 4feet on 06.24.08 at 12:06 am

good point, dapat pinag sabay nalng yung mother’s day at father’s, kaya lang di siguro papayag ang mga negosyante kasi they are earning from both occasions.

4feets last blog post.."Bwisita"

#27 Iris on 06.24.08 at 12:51 am

minsan ironic talaga ang buhay. pero sabi nga, everything happens for a reason. mabuhay ang iyong itay, hindi lang kayo ang pinaglingkuran niya, kundi ang ating bansa.

Iriss last blog post..Mi casa e su casa

#28 betch on 06.24.08 at 11:31 am

Salamat sa mga komento ninyo. May mga bagay na hindi ko naisip hanggang ngayon :)

Leave a Comment