a peek inside a Filipino-Korean household
In: Litratong Pinoy
31 Jul 2008
Sa dinami-dami ng mga Koreano na nagsisiksikan sa mga dalampasigan ng Pilipinas, aakalain mong wala nito sa bansang Korea. Meron naman kaya lang ay hindi kasing gaganda na kagaya sa ating bansa at kalimitan ay hindi maliguan kung hindi panahon ng tag-araw dahil malamig ang tubig kung hindi.
Ang litrato sa ibaba ay kuha sa isang lugar na ang tawag ay Ammyeondo (gawing kanluran), mga dalawang oras mula sa Seoul. Pansinin na kung low tide ay pwedeng lakarin ang dalawang islang bato at kung high tide naman ay hindi na pwede. Ang ibang larawan ay mga lamang-dagat na mabibili sa dalampasigan mismo ng Ammyeondo. Sariwang-sariwa at kailangan lang ay maghanap ng malaking bato kung saan pwedeng umupo para kumain.
Napakasarap ng talaba na sinasawsaw sa “cho gochugang” na gawa sa sili. Hindi ko pa natikman ang sariwang pugita dahil takot ako na baka dumikit sa lalamunan at hindi ako makahinga. Napakalalaki ng mga tahong at ano ba ang tawag sa mahabang iyun? Dahil panahon na ng tag-araw, magbabakasyon kami nitong Linggo sa isang dalampasigan sa gawing silangan ng Korea. Siguradong pagkarami-raming tao!
A Filipina mom, Korean dad and a Filipino-Korean son living in downtown Seoul since 2003.
18 Responses to LP: Dalampasigan
Linnor
July 31st, 2008 at 9:05 am
wala akong makitang lumot sa dalampasigan na iyan. mukhang malinis. at napatitig din ako sa kuha mo ng mga seafood.
pero, di ba staple ang kanin sa korea? sa sarap nyan, tiyak mapapakain ako ng kanin. hehehe.
Linnors last blog post..Litratong Pinoy: Dalampasigan
NONA
July 31st, 2008 at 9:07 am
Ayos ang mga larawan at pagsalarawan. Oo nga masarap ang talaba sawsaw sa suka. Basta luto ha… hehe. Pero yung panghuling larawan, marami rin dito sa Tsina at ako’y takot diyan lol!
NONAs last blog post..Dalampasigan
ces
July 31st, 2008 at 9:24 am
nakakatuwa naman at pwede itong lakarin kapag low tide! ang ganda!
lidie
July 31st, 2008 at 9:41 am
sang ayon ako kay ces! parang ang sayang tumawid dyan
magandang huwebes sa’yo!
lino
July 31st, 2008 at 12:27 pm
medyo di ako mahilig kumain ng hilaw o kinilaw, hehehe…
happy huwebes…
linos last blog post..dalampasigan…(sea shore)
Girlie
July 31st, 2008 at 2:44 pm
promise hindi didikit sa lalamunan mo ang pugita, di dumikit sakin eh, nguyain mo lang ng mabuti, hehe. kakainggit naman ang mga fresh seafoods na yan.
jennyL
July 31st, 2008 at 3:13 pm
awww parang d ko kayang kainin yan..iikot ang tyan ko hehehe.. pero mukhang enjoy manguha ng ganyan happy LP
jennyLs last blog post..: LP: White Haven Beach
ZJ
July 31st, 2008 at 4:19 pm
Anyong haseyo, Betchay! Waa, napulot ko lang yan dito kasi may kasama kaming Korean
Nakow, ke-sasarap naman ng mgs shells na iyan. Are they prepared like kilawin tulad sa Cebu? Mukhang challenging nga yang pugita ha? Ano ba masarap na pampadulas sa mga yan – soju?
ZJs last blog post..Litratong Pinoy #8: Ang Mahiwagang Takip-silim sa Dalampasigan ng Kep
arlene
July 31st, 2008 at 4:22 pm
sa una kung tingin sa unang litrato (without reading the details below the pics) my first thought was china. hahaha. i saw how chinese too visits the dalampasigan in their casual clothesbt with hats, umbrellas and even some in their heels. the place does not have much difference to central china dalampasigan.
is that red sauce ketchup?
arlenes last blog post..Litratong Pinoy – Dalampasigan
kathycot
July 31st, 2008 at 4:55 pm
kakaibang trip yan ah… ang sarap maki join!
eto naman ang akin:
http://whenmomspeaks.com/2008/07/lp-dalampasigan/
http://www.walkonred.com/2008/07/lp-dalampasigan.html
http://www.kathycot.com/2008/07/lp-dalampasigan.html
http://www.buhaymisis.com/2008/07/lp-dalampasigan.html
kathycots last blog post..LP: Dalampasigan
peterahon
July 31st, 2008 at 8:22 pm
hahaha kinilaw na pugita… I’ve tried it gumagalaw-galaw pa… syempre sanay akong kumain dahil sa ilocos e mayroon din kaming jumping-salad, kinilaw na hipon galing sa ilog…
sa Sabado nasa Shinan kami…
btw have you read the comics book – Korea Unmasked ni W. Rhie, interesting read on Korea.
peterahons last blog post..Tayo ng mag-swimming!
iRonnie
August 1st, 2008 at 2:26 am
parang ayaw ko yata nung nasa huling larawan.
enjoy your weekend!
iRonnies last blog post..Antonio Banderas – Oh What A Circus
vien
August 1st, 2008 at 4:50 pm
nakakatuwa naman ang mga larawan.
eto po sa akin..
http://www.inthespiritofdance.com/2008/07/lp-18-dalampasigan.
viens last blog post..LP #18: Dalampasigan
komski kuno
August 1st, 2008 at 10:50 pm
Nangunguha ba sila lahat ng mga tahong at talaba? Hehehe. At parang ang weird nga nung sariwang pugita at sili, hmmm, ang totoo, di pa ako nakakakita ng pugita, hehehe.
zamejias
August 1st, 2008 at 11:23 pm
Lam mo…napalaway ako dun sa talaba…paborito namin kainin yan ng mga kapatid ko… masarap in yong bagoong nyan…
zamejiass last blog post..Terribly Wanted
fortuitous faery
August 4th, 2008 at 11:23 am
wow…kilawing octopus! not for the faint of heart (and stomach)! haha.
nakakatakot naman yung mahahabang galamay creatures sa palanggana…parang mga bitukang nabuhay mag-isa.
kakaiba rin ang hugis ng mga tahong nila, ha!
kakaaliw ng mga litrato mo…i would try the fresh talaba with the spicy red stuff…
fortuitous faerys last blog post..broadway in bryant park
Buge
August 6th, 2008 at 2:20 pm
Nakakagutom naman mga larawan mo! Hindi ko pa nasubukan kumain ng kinilaw na pugita… interesting
Buges last blog post..Rain
stephen
March 17th, 2009 at 1:48 pm
talaba