Entries Tagged 'Litratong Pinoy' ↓

LP: Dalampasigan

Sa dinami-dami ng mga Koreano na nagsisiksikan sa mga dalampasigan ng Pilipinas, aakalain mong wala nito sa bansang Korea. Meron naman kaya lang ay hindi kasing gaganda na kagaya sa ating bansa at kalimitan ay hindi maliguan kung hindi panahon ng tag-araw dahil malamig ang tubig kung hindi.

Ang litrato sa ibaba ay kuha sa isang lugar na ang tawag ay Ammyeondo (gawing kanluran), mga dalawang oras mula sa Seoul. Pansinin na kung low tide ay pwedeng lakarin ang dalawang islang bato at kung high tide naman ay hindi na pwede. Ang ibang larawan ay mga lamang-dagat na mabibili sa dalampasigan mismo ng Ammyeondo. Sariwang-sariwa at kailangan lang ay maghanap ng malaking bato kung saan pwedeng umupo para kumain.

Napakasarap ng talaba na sinasawsaw sa “cho gochugang” na gawa sa sili. Hindi ko pa natikman ang sariwang pugita dahil takot ako na baka dumikit sa lalamunan at hindi ako makahinga. Napakalalaki ng mga tahong at ano ba ang tawag sa mahabang iyun? Dahil panahon na ng tag-araw, magbabakasyon kami nitong Linggo sa isang dalampasigan sa gawing silangan ng Korea. Siguradong pagkarami-raming tao!

PICT1792.JPG
PICT1801.JPG
PICT1802.JPG
PICT1837.JPG
PICT1834.JPG
PICT1835.JPG

LP: Sa gawing Kanluran

Maraming bagay ang sumasagi sa isip pag naririnig ko ang salitang “kanluran” at isa na rito ang paglubog ng araw. Pero dahil wala akong litrato ng paglubog ng araw ay eto na lang ang handog ko para sa tema sa linggong ito…

There are a lot of things that come to mind whenver I hear the word “west” and one of these is sunset. Since I don’t have a picture of the sun setting, I’ll just offer this as my entry for this week’s theme…

kanluran

Ang “hamburger” ay marahil ang pinakakilalang pagkain na galing sa kanluran. Ang litrato sa itaas ay kuha sa Disneyland sa Anaheim, California. Nagulat ako sa laki ng pagkain na sa wari ko ay hindi para sa isang tao lang. Tama ako dahil hindi ko naubos ang malaking hamburger kahit na ako’y gutom.

The hamburger is one of the most famous foods known to have come from the west. The picture above was taken at Disneyland in Anaheim, California. I was shocked to see how big it was and I thought it’s not just for one person. I was right since I didn’t finish the big hamburger even if I was hungry.

Litratong Pinoy: Luntian

Isa sa proyekto ng pamahalaan ng Korea ay ang tamang paghiwalay ng pagtapon ng basura. Gaya na lang ng basurahang ito na matatagpuan sa isang parke na malapit sa aming tinitirhan. May lalagyan para sa lata, bote, plastic at ordinaryong basura. Isang paraan para mapanatili ang luntiang kapaligiran. Kinunan ang larawang ito noong isang taon sa panahon ng taglagas.

One of the projects of the Korean government is the proper segregation of trash. Just like the one pictured below at the park near our residence. There’s a sack for cans, bottles, plastics and ordinary trash. This is just one of the many ways to keep our environment green. The picture was taken in last year’s autumn season.

pict8264.jpg

Litratong Pinoy: Balingkinitan

chopsticks.jpg

Nakagamit ka na ba ng “chopsticks” o kubyertos na gamit sa bansang Tsina, Hapon, Korea at Vietnam? Naiiba ang “chopsticks” na gamit sa Korea dahil ito ay gawa sa metal. Ang nasa itaas ay gawa sa “silver” (ipagpaumanhin, nalimutan ko ang tawag sa Tagalog). Para sa akin, pinakamadaling gamitin ang “chopsticks” na gamit dito sa Korea.

Have you used chopsticks, traditional eating utensils in China, Japan, Korea and Vietnam? Korean chopsticks are different in that they are made of metal. The ones pictured below are made of silver with ornate decorations at the tip. IMO, Korean chopsticks are the easiest to use.

Litratong Pinoy: Tatak Pinoy (Filipino Trademark)

Pasensiya na po kung medyo mahaba na naman ang aking lahok ngayong linggo. Medyo nahirapan ako sa tema ng “Tatak Pinoy” dahil masyadong malawak. Pero dahil kami ng mga kaibigan ko ay nagkita-kita noong Sabado, naisip ko na ipakita kung paano naipapakita ang “Tatak Pinoy” dito sa Korea.

Kami man ay nakatira sa ibayong dagat, dala-dala pa rin namin ang pagiging Pinoy lalo na sa mga kita-kits, EB o handaan. Gaya na lang ng handaan at pagtitipon sa mga litrato sa ibaba.

Please forgive me if my entry for this week is a little long. I had a hard time deciding on the theme on “Filipino trademark” because of its wide scope. However since I met my friends last Saturday, I decided to show how we Filipinos in Korea celebrate our trademark.

Even if we live overseas, we still carry with us our Filipino identity through our meetings, EB or parties. Just like the ones below.

Handaang Pinoy. Bagamat ang iba dito ay hindi talaga lutong Pinoy, karaniwan na inihahanda ang spaghetti (o pansit), lumpia, fruit salad, pritong manok, menudo, chopsuey at kanin. Syempre lahat ay angkop sa panlasang Pinoy.
handaang pinoy

Anim na K ng handaan o pagtitipon na may Tatak Pinoy:

PICT8093.JPG
Kodakan ^

IMG_2331.JPG
Kantahan ^

usapang pinoy
Kuwentuhan ^

PICT1167.JPG
Kainan ^

PICT1196.JPG
Kulitan ^

at…

IMG_2326.JPG
“Kol”dilocks ^

Tribiya: Ang isa sa aking mga kaibigan (yung nakapula sa huling litrato) ay nakikita sa TV dito sa Korea sa isang palabas sa KBS, pambansang istasyon, tuwing Martes ng gabi. Lumabas din siya sa isang patalastas para sa isang sikat na organisasyon. Psst! Wala po silang kamalay-malay na na-extra na NAMAN sila sa blog ko. ;)

Litratong Pinoy: Pag-Aaral

img_1353.jpg

The Little Prince o Ang Munting Prinsipe ay isa sa pinakapaborito kong libro. Hindi lahat ng pag-aaral ay nagaganap sa apat na sulok ng silid-paaralan. Bagkus, ang pinaka-importanteng kaalaman ay natutunan sa pakikipag-kapwa at sa karanasan sa buhay. At dahil dito, ang pag-aaral ay isang napakahabang proseso na nagsisimula sa pagkabata hanggang sa pagtanda.

Litratong Pinoy - Itay

Litratong Pinoy - Itay

Ang larawang nasa itaas ay ang simpleng puntod ng aking ama na namatay noong 1993, apat na araw bago ang kanyang kaarawan. Nag-aayos kami ng sorpresang pagdiriwang para sa kanya ngunit hindi na umabot ang sorpresang iyon. Namatay siya noong umaga ng Disyembre 17. Nang gabi ring iyon ay nagsilang ng isang sanggol na lalaki ang aking pangalawang ate.

Pictured above is the simple gravestone of my father who died in 1993, four days before his birthday. We were planning a surprise party for him but he left early. He died on the morning of December 17. That night, my second sister gave birth to a boy.

Ang aking ama ay isang sundalo na nagsilbi sa bayan mula 1952 hanggang 1973. Siya ay nagbitiw sa serbisyo ilang buwan pagkatapos ideklara ang Batas Militar. Siya ang nasa dulong kanan sa litrato sa ibaba.

My father was a soldier who served our country from 1952 to 1973. He retired from the service a few months after the declaration of Martial Law. He is the man on the right in the picture below.

Litratong Pinoy - Itay

Karagdagang impormasyon: Dito sa Korea ay hindi sineselebra ang “Araw ng mga Tatay” na kagaya ng nakasanayan natin sa Pilipinas. Bagkus, merong “Araw ng mga Magulang” na taun-taon na ginugunita tuwing ika-8 ng Mayo. Ang mga anak ay nagbibigay ng bulaklak na “carnation”.

Off-topic: Here in Korea, we don’t celebrate “Father’s Day” the way we do in the Philippines. Instead, we honor both our parents on “Parents’ Day” which is held every year on May 8th. Children offer “carnation” to their parents on this day.

Litratong Pinoy: Kalayaan

Korean War

Ang larawang ito ay ang mga bandila ng mga bansang nakilahok o nagbigay ng suporta sa South Korea noong Korean War 1950-1953. Kung hindi dahil sa mga magigiting na sundalo na walang kiming ibinuwis ang kanilang buhay para sa kalayaan ng mga taong hindi nila kilala, maaaring iba ang naging kapalaran ng bansang tinitirhan ko ngayon.

Mga sundalong sumali sa giyera:

South Korea - 590.911; United States of America - 480,000; United Kingdom - 63,000; Canada - 26,791; Australia - 17,000; Philippines - 7,430; Turkey - 5,455; Netherlands - 3,972; France - 3,421; New Zealand - 1,389; Thailand - 1,294; Ethiopia - 1,263; Colombia - 1,068; Belgium - 900; South Africa - 826; Luxembourg - 44

Litratong Pinoy - Pag-iisang Dibdib

pict7159-medium.jpg

Dito sa bansang Korea, ang kasal ay karaniwang ginaganap tuwing tag-sibol (Spring) at tag-lagas (Autumn). Ang lugar ng kasalan ay tinatawag na “Wedding Hall”. Karaniwan na may dalawang parte ang kasal dito. Ang una ay para sa estilong Kanluran kung saan nakasuot ng tradisyonal na puting damit ang babae at Amerikana naman sa lalaki. Ang pangalawang parte ay ayon naman sa tradisyon ng mga Koreano noon. Dito ay nakasuot ng “hanbok” o pambasang kasuotan ang ikinakasal. Isa sa seremonyas na ikinatutuwa ko sa tradisyonal na kasal nila ay ang pagbuhat ng lalaki sa babae sa kanyang likod o “piggy back ride” sa wikang Ingles. Ito raw ay simbolo na susuportahan ng lalaki ang kanyang asawa. Hindi namin ito ginawa noong ako’y ikinasal. Mas mabigat ako sa asawa ako at ayos lang na hindi sumunod sa tradisyon kesa naman mabalian siya ng buto sa araw ng aming kasal (paano naman ang pulot-gata?). Ang larawang ito ay sa kasal ng isang kaibigan.

Litratong Pinoy - Ihip ng Hangin

Dumukot ako sa baul ng aking mga litrato para sa edisyong ito ng Litratong Pinoy. Ang paksa sa linggong ito ay “Ihip ng Hangin”. Pagpasensiyahan na kung naparami ang aking lahok, natuwa lamang ako na marami-rami rin pala akong nakuhanan gamit ang aking nasirang point-and-shoot na Konica. Mga litrato ng tag-lagas (autumn) kung kailan maraming nalalagas na dahon dala ng ihip ng hangin.

LP-hangin01.JPG
Ang aking kaibigan na si Anna Banana. Natiyempuhan ko ang kanyang tuwa sa mga nalagas na dahon sa isla ng Nami (kung saan kinunan ang palabas na “Winter Sonata”)

LP-hangin02.JPG
Tag-lagas sa isla ng Nami

LP-hangin03.JPG
Si Ivan Mayrina, nakuhanan ko habang ginagaya ang litrato sa likod ni Bae Yong Joon.

LP-hangin04.JPG
Sa Ellis Island sa New York noong bumisita ako kasama ang aking ate.

LP-hangin05.JPG
Sa Central Park sa New York.

LP-hangin06.JPG
Sa labas ng bahay ng aking ate sa Ohio.